-- Advertisements --

Nagdeklara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng special non-working day sa limang lugar sa bansa sa mga darating na linggo ng Enero at Pebrero 2026.

Ayon sa opisina ni Executive Secretary Ralph Recto, inilabas ang magkahiwalay na mga proklamasyon para sa mga special non-working day sa isang lalawigan, dalawang lungsod, at dalawang bayan, ayon sa isang abiso nitong Sabado ng hapon.

Sa bisa ng Proclamation 1143, suspendido ang trabaho sa Cadiz City sa Negros Occidental sa Enero 26 bilang paggunita sa ika-52 anibersaryo ng Dinagsa Festival.

Habang sa Pebrero 2 naman, ipagdiriwang ang ika-208 anibersaryo ng Ilocos Norte bilang isang non-working day ayon sa Proclamation 1147.

Magkakaroon din ng non-working day sa Biñan City sa Pebrero 3, bilang paggunita sa ika-81 anibersaryo ng kanilang Liberation Day, batay sa Proclamation 1144.

Samantala, nakatakda ring ipag-diwang ang anibersaryo ng pagkakatatag at ang BOG Festival sa Buug, Zamboanga Sibugay, kaya’t magiging non-working day din ito ayon sa Proclamation 1145.

Panghuli, ayon sa Proclamation 1146, magiging non-working day din sa Pebrero 28 sa Sarrat, Ilocos Norte bilang bahagi ng kanilang Founding Anniversary.