-- Advertisements --

Ipinagdiwang ng Vatican ang bagong appointment ng bagong obispo para sa Diocese ng Kalibo na si Rev. Fr. Cyril B. Villareal, isang pari mula sa Capiz.

Ipinahayag ni Pope Leo XIV ang kanyang pagkakatalaga bilang bagong obispo ng nasabing Diocese.

Ipinanganak noong Marso 1, 1974, at inordenahan bilang pari noong 2001, nagsilbi si Fr. Villareal sa iba’t ibang papel sa simbahan, kabilang na ang pagiging Administrator ng Diocese ng Capiz.

Ang kanyang pagkakatalaga ay isang mahalagang hakbang sa pamumuno ng
Diocese at nagsisilbing pagpapahalaga sa kanyang malawak na karanasan sa pastoral at administratibong tungkulin.

Magiging kahalili ni Fr. Villareal si Bishop Jose Tala-oc.