-- Advertisements --

Hinimok ni Pope Leo ang mga Kristiyanong political leaders na may pananagutan sa pagpapasimula ng mga armadong hidwaan na suriin ang kanilang konsensya at sumailalim sa confession o pangungumpisal.

Sa kanyang naging talumpati sa isang pagtitipon ng mga pari sa Vatican City , hinamon ng Santo Papa ang mga lider kung tunay bang sinusunod ng mga ito ang turo ni Hesukristo.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng patuloy na panawagan ng Santo Papa na ihinto ang giyera sa Iran na nag-ugat sa joint airstrikes ng US at Israel noong Pebrero 28.

Matatandaang si US President Donald Trump ay lumaki sa pananampalatayang Kristiyano, habang mga Katoliko naman ang kanyang matataas na opisyal na sina Vice President JD Vance at Secretary of State Marco Rubio.

Samantala, una nang iginiit ni Washington, D.C. Cardinal Robert McElroy na ang pag-atake ng US at Israel sa Iran ay not morally legitimate dahil hindi ito pumasa sa pamantayan ng Simbahang Katolika patungkol sa just war.