-- Advertisements --

Nanawagan si Pope Leo XIV na dapat ay protektahan ang human identity at tunay na relasyon.

Ito sa kabila ng paglaganap ng paggamit ng artificial intelligence.

Sa kaniyang mensahe sa World Day of Social Communciation na ang AI systems ay nagbibigay ng biases sa mga may gawa nito.

Isang malaking hamon aniya ngayon ay kung paano ma-protektahan ang pagkakakilanlan ng isang tao at pagkakaroon ng tunay na relasyon.

Magugunitang noong 2023 ay nabiktima ng AI si dating Pope Franciskung saan kumalat na ito ay nakasuot ng puting puffer jacket.