-- Advertisements --

Nag-alok ng diskuwento ang ilang malalaking petroleum companies sa mga driver at operator, sa gitna ng nakaambang bigtime price hike dahil sa epekto ng giyera sa Middle East.

Kabilang sa mga inaalok ng diskwento ang mga driver ng Public Utility Vehicles (PUV), Transport Network Vehicle Service (TNVS), at mga delivery rider.

Kaniya-kaniyang diskuwento ang mga kumpaniya ng langis kung saan ang alok ng mga ito ay mula P1.00 hanggang P5.00 kada litrong bibilhin ng mga ito.

Ang ibang kumpaniya ay nag-aalok din ng iba pang commodities tulad ng bigas at softdrinks sa bawat bawat bulto ng petroleum products na bibilhin.

Una nang tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa oil companies para sa posibleng pagbibigay ng fuel discount para sa mga motorista sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.