Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang mga pangunahing lansangan, kabilang ang EDSA at Davao City, bilang paghahanda sa mga ikakasang kilos-protesta bukas, Marso 11, kasabay ng unang anibersaryo ng pagkaaresto at pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaasahang magkakaroon ng isang motorcade rally na babagtas mula EDSA patungong Villamor Air Base. Dahil dito, nagpakalat ng karagdagang pwersa ang kapulisan upang panatilihin ang kaayusan at seguridad.
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa mga mahahalagang developments at nakikipag-ugnayan na rin ito sa mga lokal na pamahalaan.
Layo ng hakbang na itong ng Pambansang Pulisya na matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Nirerespeto man daw ng pambansang pulisya ang malayang pagpapahayag ng saloobin ngunit nilanaw ng PNP ang mandato nito na tiyaking walang insidente na sisira sa normal na aktibidad at matiyak na walang banta sa katahimikan at kaayusan.
Nagbaba rin ng mahigpit na kautusan si Nartatez sa kaniyang hanay na pairalin ang maximum tolerance laban sa mga demonstrador.
















