-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan ang alegasyon na tumanggap siya ng kickbacks mula sa anomalous flood control projects, habang siya ay iniinterog sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ang akusasyon ay nakabatay sa affidavit ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo noong Nobyembre, na naglalahad na diumano’y hinati ni Bonoan ang commissions mula sa mga proyekto sa ilalim ng superbisyon ni Bernardo, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱5 bilyon bawat taon para sa 2023–2025.

Binanggit ni Sen. Sherwin Gatchalian na malinaw sa affidavit na tumanggap si Bonoan ng commissions, at tinanong kung paano nangyari ang korapsyon sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Patuloy ang imbestigasyon ng Senado sa umano’y anomalya sa flood control projects. (report by Bombo Jai)