-- Advertisements --

Arestado ang dalawang pulis mula sa Taguig City Police Station at ilang sibilyan ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa ikinasang buy-bust operation noong Sabado ng hapon, March 7,2026.

Isinagawa ang operasyon bandang alas- 4:27 ng hapon a harap ng Landers, Arca South, Taguig City, kung saan nasabat ang tinatayang nasa 100 gramo ng shabu na mayruong market value na P680,000.

Ito ay batay sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board, kasama ang ilang armas, cellphone, at ID na pag-aari ng PNP.

Mariing kinondena ng Taguig LGU ang pagkakasangkot ng mga pulis, na muling nagpapatunay sa kanilang “zero tolerance” sa ilegal na droga at anumang uri ng paglabag sa batas.

“Illegal drugs have no place in Taguig. Those who are sworn to enforce the law must be held to the highest standards,” pahayag ni Mayor Lani Cayetano.

Lubos din niyang sinuportahan ang ginagawang hakbang ng PNP at Southern Police District (SPD) sa paglilinis ng hanay at agarang aksyon laban sa mga pulis na nagkakasala.

“We commend the Philippine National Police for taking strong action. Efforts to cleanse the ranks are essential to maintaining the public’s trust. Peace and order remain the foundation of a Transformative, Lively, and Caring City. The people of Taguig deserve law enforcers who uphold integrity, professionalism, and the rule of law,” dagdag pa ni Mayor Cayetano.