-- Advertisements --

Kinondina ni Vice President Sara Duterte ang pagkalat ng larawan ng kaniyang anak na ginamit para magpakalat ng fake news.

Makikita sa mga kumalat na larawan ng kaniyang anak na ito ay nananawagan sa publiko na alagaan ang kaniyang ina.

Ayon sa Bise Presidente na hindi niya kailanman ginagamit ang mga anak sa pagsulong ng sariling interest.

Mahigpit din nitong pinagbabawalan ang mga anak na huwag makisawsaw sa mga usaping pampulitika sa labas ng kanilang bahay.

Nanawagan ito sa publiko na huwag dapat gamitin ang mga bata sa pagpapakalat ng fake news.

Giit nito na responsibilidad ng lahat ang pagprotekta sa mga bata.