-- Advertisements --

Tiniyak ni House Majority Leader and Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos na hindi haharangin ng House of Representatives ang anumang impeachment complaint laban sa ama nitong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi nito na mahalaga na dinngi ng Kamara ang anumang isasampang impeachment complaint kahit na ito ay laban sa kaniyang ama.

Gagampanan nito ang kaniyang trabaho sa House of Representatives na tugunan ang impeachment complaints.

Trabaho din aniya nito na ipasa sa House Committee on Justice ang lahat ng mga impeachment complaints para ito ay maisama sa Calendar of Business at talakayin sa plenaryo.

Magugunitang naghain ng impeachment complaint si Atty. Andre de Jesus laban sa Pangulo kung saan ito ay inindorso ng Pusong Pinoy party-list Rep. Jett Nisay dahil sa betrayal of public trust.

May dalawang grupo pa ang nagtangkang maghain ng impeachment complaints laban sa pangulo subalit hindi ito natanggap sa opisina ni Office of the House Secretary General Cheloy Garafil dahil nasa ibang bansa ito para sa official business.