Inihayag ng Department of Justice na kasamang mananagot sa batas ang mga mahuhuling indibidwal na itinatago ang puganteng si Charlie ‘Atong’ Ang.
Ito mismo ang ibinahagi ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez hinggil sa usapin nang hindi pa rin pagpapakita ng nabanggit na negosyante.
Ayon sa naturang tagapagsalita, posibleng maharap sa kasong ‘Obstruction of Justice’ sa sinumang mapapatunayang tumutulong para maitago si Atong Ang.
Partikular aniyang kaso ito sa ilalim ng Presidential Decree No. 1829 nagpapataw ng parusa sa mga sangkot na pumipigil sa imbestigasyon at prosekusyon ng mga kriminal.
Ang negosyanteng si Atong Ang ay magugunitang inisyuhan na ng ‘arrest warrant’ mula sa Regional Trial Courts ng Lipa, Batangas at Sta. Cruz, Laguna.
Kanyang kinakaharap ang kasong ‘kidnapping with homicide’ at ‘kidnapping with serious illegal detention’ may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero.
Kaugnay nitoy nagbigay babala si Justice Spokesperson Atty. Martinez sa payong ‘hindi muna pagsuko’ sa kabila ng kinakaharap at inisyung ‘arrest warrant’.
Aniya’y posible at potensyal itong maituturing na isang krimen sapagkat ang naturang warrant ay ‘court order’ ng husgado.
Dagdag ng tagapagsalita ng kagawaran na maaring kasong kaharapin sa ilalim ng revised penal code ng batas ay ang ‘disobedience, at direct assault against person in authority’.
Kung kaya’t naniniwala siyang dehado o hindi mainam na hakbang para sa kabilang kampo lalo na sa akusado ang ganitong uri ng payo at aksyon.
Samantala, binigyang diin naman ng Department of Justice na ang napaulat nakalabas na ng bansa si ATong Ang ay hindi beripikadaong impormasyon.
Wala pa anilang natatanggap silang nagsasabing nakaalis na ito ng Pilipinas.
Batas sa kumpirmasyon ng Bureau of Immigratiom, walang natuklasan o nakitang panibagong ‘travel record’ ang naturang pugante.















