-- Advertisements --

Pormal na kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang vlogger na si Jack Argota.

Ayon sa NBI isinampa nila ang kasong cyber libel at unlawful publication dahil sa pagpapakalat ng pekeng medical record ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Noong inimbestigahan ng NBI si Argota ay inamin niya na galing sa iba’t-ibang sources ang nasabing pekeng medical records.

Ginawa lamang niya ito para sumakay sa trends at magkaroon ng maraming engagement sa social media.

Una ng kinasuhan na rin ng NBI sina dating broadcaster na si Jay Sonza at vlogger na si Jeffrey Celiz dahil sa parehas din na isyu.