Iginiit ng Department of Justice na walang nakasaad sa saligang batas na ipagbawal ang pakikipag-ugnayan ng bansa sa International Criminal Court.
Ayon mismo kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, walang ‘legal prohibition’ na nagsasabi o pumipigil sa pamahalaan na makipagtulungan sa International Tribunal.
Ito aniya ang pinag-ugatan ng mga inihaing petisyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Kataas-taasang Hukuman buhat nang harapin ang kasong Crimes Against Humanity sa The Hague, Netherlands.
Kinukwestyon aniya ng mga ito ang pagiging legal o kung naayon sa batas ang pagkakaaresto sa dating pangulo noong nakaraang taon 2025.
Kaya naman ipinapakita raw dito na sa pagkuwestyon o pagsangguni sa Korte Suprema ng mga petisyuner ay wala pang malinaw na panuntunan sa batas nagbabawal makipag-ugnayan sa International Tribunal.
Subalit ipinaliwanag ng tagapagsalita na hindi nito isinasantabi ang pagiging hindi na miyembro ng Pilipinas sa Rome Statue ng International Tribunal.
Kanya pa ring pinanindigan na walang pananagutan sa batas ang pamahalaan sa pakikipag-ugnayan nito sa anumang International Agency o Hukuman.
Alinsunod ang pahayag ng kagawaran matapos aminin mismo ni Ombudsman Jesus Remulla, former Justice Secretary na nakipagpulong ito sa ilang imbestigador ng International Criminal Court.
Gayunpaman paglilinaw ni Atty. Martinez na sa bagong liderato ni Secretary Fredderick Vida ay walang ganitong uri ng ugnayan sa pagitan ng kagawaran.
Habang binigyang diin niya na hihintayin ng Department of Justice ang resolusyon ng Korte Suprema sa mga nakabinbin petisyon bago tuluyang gumawa ng panibagong aksyon.















