-- Advertisements --

Hindi nakaligtas sa pambabatikos mula sa mga netizen si Sagip party-list Rep. Paolo Marcoleta matapos mag-viral ang kanyang pahayag na gumamit ng sikat na linya mula sa pelikula sa gitna ng pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang manifestation, binanggit ni Marcoleta ang linyang “I deserve an explanation, I deserve an acceptable reason” habang hinahamon ang komite na buksan ang kahon mula sa Bureau of Internal Revenue na naglalaman umano ng tax records ng Bise Presidente.

Gayunman, agad itong kinorek ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña, na nagsabing mali ang pinanggalingan ng quote.

Ayon kay Cendaña, hindi ito mula sa karakter ni ”Popoy” sa ”One More Chance,” kundi mula sa karakter ni ”Piolo Pascual” sa 2014 film na ”Starting Over Again.”

Biro pa ni Cendaña, sana ay hindi mauwi sa “starting over again” ang deliberasyon ng komite sa naturang impeachment hearing.

Ilan tuloy sa mga Netizen ang hindi mabigilan na magbigay ng komento tulad ng isa na nagsabing ”Pirated ngani ang napanood niya.” Mayroon pang nagsabi na: ”Pag c marcoleta magsalita, nonsense!”

”Pati ba naman pagqoute sa pelikula MALI!!!!! Ayon pa sa komento ng isang Netizen.

Nag-react din sa viral video ang comedian at talent manager na si Ogie Diaz kung saan sinabi nito na: ”Kalokah. hindi si ‘Popoy’ ‘yon. Si ‘Marco’ ang name doon ni Piolo, Cong. Kaya pa ba?”

Isa namang Netizen ang piangtanggol ang pahayag ng Kongresista. ”wow ha,,ikaw ogie kakayanin mo bah utak ni marcoleta?
It’s not about the name, it’s about the context of the story he try to imply.”