-- Advertisements --
Nagpahayag si Senador Rodante Marcoleta na hindi na siya nakahandang lumahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung magpapatuloy ang Impeachment Court sa paraang, ayon sa kanya, lumalabag sa Konstitusyon.
Iginiit ni Marcoleta na kuwestiyonable sa konstitusyon ang pagtatalaga kay Senate President Francis Escudero bilang Presiding Officer ng impeachment trial. Aniya, batay sa mga tala ng 1986 Constitutional Commission, ang Senate President lamang ang dapat mamuno sa impeachment trial, maliban kung ang Pangulo ng bansa ang nililitis.
Kinuwestiyon din niya ang posibilidad na gumamit ang Senado ng internal rules upang baguhin ang voting threshold na itinakda mismo ng Konstitusyon.















