-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Senator-judge Pia Cayetano ang kahalagahan ng due process sa impeachment trial, kasabay ng panawagang iwasan ang anumang shortcut sa proceedings.

Sa kanyang manifestation sa ika-33 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kahapon, sinabi ni Cayetano na nais niyang maisagawa ang paglilitis sa paraang hindi mag-iiwan ng duda sa publiko kung tama, constitutional, at legal ang mga hakbang ng Senate impeachment court.

Ayon kay Cayetano, mahalagang malinaw na legal ang bawat hakbang sa proceedings at walang nilalaktawang proseso.

Sinabi rin niyang ang layunin niya ay maisagawa ang trial nang naaayon sa due process upang mabawasan ang anumang pagdududa ng publiko sa naging takbo ng impeachment proceedings.