Iginiit ni Senador Imee Marcos ang kahalagahan ng paggalang at pagsunod sa Konstitusyon at sa mga itinakdang proseso nito, kasunod ng naging usapin sa pagpapatuloy ng pagdinig ng impeachment court.
Ayon kay Marcos, hindi dapat baguhin o ilihis ang mga prosesong malinaw na nakasaad sa Saligang Batas.
Aniya, hindi niya inakala na darating ang pagkakataong kailangan niyang ipagtanggol ang Konstitusyon laban sa kaniyang ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
“Karera ba ito? Kapag hindi mo abot yung finish line, ilalapit mo? Hindi naman ganoon. Kailangan sundan mo,” ani Marcos
Ang pahayag ay kasunod ng pag-break ng Senado, kung saan hindi na nakabalik sa pagdinig ng impeachment court ang ilang miyembro ng minority bloc.
Binigyang-diin ni Marcos na ang mga itinakdang hakbang at proseso ay dapat sundin at hindi dapat baguhin upang umangkop sa sitwasyon.
















