-- Advertisements --

Sinubpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong vloggers kaugnay ng umano’y pagpapakalat ng ”fake news” tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinilala ang mga ito bilang sina Rigondola Ping, Crage Anderpal, at Iloy Bugris, na pinapaharap sa imbestigasyon matapos umanong maglabas ng mga pekeng pahayag, larawan, at graphics na nagsasabing kritikal ang kondisyon ng Pangulo.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, ang reklamo ay nagmula sa Presidential Communications Office (PCO) at agad na ini-forward sa NBI para sa masusing imbestigasyon.

Batay sa reklamo, nag-live broadcast umano si Bugris na nagsasabing malubha ang kalagayan ng Pangulo, habang si Ping naman ay nag-edit ng mga larawan upang palabasing may sakit si Marcos.

Samantala, nagbahagi naman si Anderpal ng mga graphic na umano’y nagpapatunay sa maling impormasyon.

Giit ng Malacañang na pananagutin ang mga nagpapakalat ng ”fake news” laban sa mga lumalabag. Naghain din ang PCO ng hiwalay na kaso laban sa isang social media page na nagpakalat ng maling impormasyon kaugnay sa sitwasyon ng enerhiya sa bansa.