-- Advertisements --

Target ng National Bureau of Investigation (NBI) na tapusin sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo ang imbestigasyon nila sa anomalya sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag, na sa nasabing mga linggo ay mayroon na silang masasampahan ng kaukulangkaso.

Plano nito na tapusin ito saloob ng hanggang apat na linggo dahil mayroon na silang malinaw na ebidensiya.

Una ng sinubpoena ng NBI ang pitong dating opisyal ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Kinabibilangan ito nina Ramon “Tats” Suzara ang PHISGOC chairman, Dexter Estacio- PHISGOC chief financial officer at John Lester Buenconsejo ang corporate secretary.

Pawang mga abogado lamang ng mga dating opisyal ng PHISGOC ang dumalo sa NBI nitong araw ng Lunes.

Una ng sinabi ni Matibag na nakatanggap ang PHISGOC ng nasa P6.7-B mula sa pondo ng gobyerno lalo na sa Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee at Department of Budget and Management noong 2019 SEA Games.

Kapag isinama pa ang pondo na natanggap ng PHISGOC mula sa private sectors ay maaring umabot sa mahigit P10-B ang kabuuang budget ng nasabing committee.

Maari nila ng maisyuhan ng subpoena si Senator Allan Peter Cayetano na siyang tumayong namuno ng 2019 SEA Games kapag naidawit siya ng mga dating opisyal ng PHISGOC sa kanilang gagawing pag-kuwestiyon.