Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga sindikatong umano’y gumagamit ng pekeng dokumento ng pagkamamamayang Pilipino upang itago ang kanilang pagkakakilanlan, ilipat ang mga ari-arian at makaiwas sa mga awtoridad.
Ayon kay PNP chief police General Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan niya ang mga kinauukulang yunit na beripikahin ang mga impormasyon at tukuyin ang posibleng ugnayan ng pandaraya sa dokumento sa organisadong krimen.
Kasunod ito ng kautusan ng National Bureau of Investigation na siyasatin kung paano nakukuha ang mga dokumentong may kaugnayan sa pagkamamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pandaraya.
Makikipag-ugnayan ang PNP sa NBI, Philippine Statistics Authority at Bureau of Immigration upang beripikahin ang mga kahina-hinalang rekord at matukoy ang mga sangkot.















