-- Advertisements --
Natitiyak ni Philippine National Police (PNP) chief PGeneral Jose Melencio Nartatez Jr na ang sinumang nagkakanlong at nagtatago kay Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ay kanila itong sasampahan ng kaso.
Ayon sa PNP chief, na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang paghahanap sa puganteng senador.
Lahat aniya ng mga malalapit o maaaring nakasama ng senador ay kanilang tinutungo at kinakausap para malama ang kinaroroonan ng senador.
Una ng inanunsiyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla na mayroon silang inialaan na P50-M na pabuya para sa agarang maaresto ang Senador.
Nagbigay rin ang PNP chief ng isang linggong ultimatum para sumuko ng kusa ang senador bago ang gagawin nilang matiding operasyon par ito ay maaresto.
















