Aminado ang National Bureau of Investigation na kanilang ikinababahala ang pagdami ng mga kaso ng pagbabanta o ‘death threats’ sa kasalukuyan.
Ayon kay National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag, naaalarma ang kawanihan patungkol sa naturang usapin sapagkat tila nagiging normal o ‘norms’ na ang ganitong gawain.
Kung kaya’t kanyang binigyang diin na ang ‘death threat cases’ ay dapat masawata o mahinto sapagkat kung ito’y magpapatuloy ay maaring makaapekto maging sa pambansang seguridad ng Pilipinas.
Hinaing naman ng direktor na nababahala din sila dahil maging ilang mga matataas na opisyal ay nakikibahagi o gumagawa din ng pagbabanta o death threats na tila’y nagiging ordinaryo na lamang.
Alinsunod dito’y nagbabala ang direktor ng National Bureau of Investigation sa sinuman sangkot sa gawain pagbabanta.
Mahigpit umanong ipapatupad ng kawanihan ang mandato nito at hahabulin pa ang mga sangkot kung kinakailangan mapanatili lamang ang kaayusan.
Subalit agaran depensa ni NBI Dir. Atty. Matibag na ang kanilang aksyon gagawin ay nakabase sa ebidensya at walang anuman impluwensya ng pamumulitika.
















