Hinamon ng dismissed police officer na si Rodulfo Gracioso Jr. sina Vice President Sara Duterte at dating house speaker Lord Allan Velasco na sumailalim sa lie detector test kaugnay ng kanyang mga alegasyon.
Ito ay matapos itanggi ni VP Sara na kilala niya si Gracioso at na tumanggap siya ng mga maleta ng pera mula sa dating pulis.
Sa pagpunta ni Gracioso sa National Bureau of Investigation, nagpakita rin siya ng mga larawan kasama sina Duterte at Velasco bilang patunay umano na magkakilala sila.
Sinabi naman ng NBI na makikipag-ugnayan ito sa iba’t ibang ahensya at sa META upang beripikahin ang authenticity ng mga naturang larawan.
Kinumpirma rin ng Philippine Natioanl Police na naging bahagi si gracioso ng security detail ni Velasco.
Ayon sa PNP, naharap din si Gracioso sa mga administrative at criminal case noong 2021 at 2022, noong nakatalaga pa siya sa Police Regional Office 4A.
















