Nakatakdang muling magsagawa ngayong araw ang prosekusyon sa Department of Justice ng ‘preliminary investigation’ ukol sa reklamong plunder na kinakaharap ni former Sen. Bong Revilla Jr.
Ito’y matapos nang maurong kamakailan dahil sa inihaing mosyon ng National Bureau of Investigation bilang ‘complainant’ o nagsampa ng reklamo.
Dapat itong isagawa sana noong ika-20 ng Pebrero subalit hindi natuloy upang magbigay pagkakataon sa mga ‘respondents’ na kasamang inakusahan sangkot sa korapsyon.
Sa mosyon isinumite kasi ng kawanihan ay nagpasok ito ng panibagong mga pangalan o respondents sa ‘plunder case’ laban sa dating mambabatas at ilan pang mga dating opisyal.
Maaalalang ibinahagi ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez na apat na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways ang isinamang inirerereklamo ng ahensya.
Ito’y sina former Department of Public Works and Highways NCR engineers Denryl Caesar Cortuna, Manny Bulusan, Ruel Umali and Arturo Gonzales Jr.
Kung kaya’t ayon pa kay Justice Spokesperson Martinez na maaring maghain si former Sen. Bong Revilla Jr. ng karagdagang salaysay ukol sa reklamo.
Supplemental counter-affidavit aniya ang pwedeng isumite nito bilang tugon sa panibagong mga idinagdag na ebidensya at respondents ng National Bureau of Investigation.
















