Ipinasara ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang hindi lisensiyadong care facility na pinatatakbo ng vlogger na BenchTV sa San Pedro, Laguna.
Isinailalim sa suspension of operations ang pasilidad matapos ang inspeksiyon ng ahensya noong Huwebes.
Nadiskubre ng DSWD ang 12 indibidwal sa loob ng pasilidad, kabilang ang dalawang menor de edad.
Anim sa kanila, kasama ang mga bata, ang inilipat sa pangangalaga ng DSWD upang mabigyan ng angkop na tulong at interbensyon.
Ayon sa ahensya, tinulungan ng mga lisensiyadong social worker ang mga benepisyaryo at pormal silang inendorso sa mga tatanggap na social worker upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo.
Dagdag ng DSWD, patuloy din nilang tinutulungan ang vlogger sa pagsunod sa mga kinakailangan na requirements upang makakuha ng Certificate of Registration at License to Operate, alinsunod sa umiiral na mga regulasyon para sa mga social welfare facility.















