-- Advertisements --

Namataan ang nasa 30 barko ng China malapit sa ilang maritime features sa West Philippine Sea sa unang bahagi ng Marso ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Philippine Navy, namataan ang mga barko ng China mula Marso 1 hanggang 8 sa mga sumusunod na lugar, kabilang na sa may Bajo de Masinloc, kung saan nasa 11 barko ng China ang naispatan partikular na ang People’s Liberation Army Navy vessels, at pitong China Coast Guard vessels.

Gayundin sa Ayungin Shoal, kung sana mayroong walong barko ng China ang namataan, sa Escoda Shoal nasa pitong barko at sa Pag-asa Island nasa apat na Chinese vessels.

Sa kabila nito, mas mababa naman ang naturang bilang kung ikukumpara sa 34 na Chinese vessels na namonitor sa WPS features mula Pebrero 22 hanggang Marso 1 ng kasalukuyang taon.