Hinikayat ng abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Nicholas Kaufman ang mga supporters na maging mapayapa ang kanilang pagpapakita ng pagmamahal sa dating pangulo.
Sinabi nito na nakakatanggap sila ng mga mensahe ganun din ang mga galit ukol sa pagkakaaresto ni Duterte ng International Criminal Court.
Giit nito na noong Marso 11 kung saan isang taong anibersaryo ng pagkakaaresto ng dating pangulo ay nakatanggap sila ng mga mensahe mula sa mga supporters nito.
Lahat aniya mga mensahe mula sa mga supporters ay naipaparating nila sa dating pangulo.
Sa darating naman na Marso 28 ay ipagdiriwang ni Duterte ang kanilang ika-81 na kaarawan kung saan hinikayat ni Kaufman ang mga supporters na gawin itong araw na hindi makakalimutan.
Magugunitang naaresto ang dating pangulo dahil sa pagpapatupad nito ng war on drugs noong ito ay alkalde pa sa Davao hanggang maging pangulo ng bansa.
















