-- Advertisements --

Iginiit ni Senate President Vicente Sotto III na ang desisyon ng Supreme Court kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay malinaw na pakikialam sa kapangyarihan ng Kongreso.

Ayon kay Sotto, mali ang interpretasyon ng Korte Suprema at tila binabago nito ang Konstitusyon sa pamamagitan ng judicial overreach.

Dagdag pa niya, maaaring abutin ng ilang dekada bago maitama ang ganitong uri ng interpretasyon.

Noong Hulyo 2025, pinigilan ng SC ang impeachment trial laban kay Duterte dahil sa limitasyon ng Konstitusyon na nagbabawal ng higit sa isang impeachment sa loob ng isang taon.

Binigyang-diin din ng SC ang due process, na dapat mabigyan ang iniimpeach na opisyal ng kopya ng Articles of Impeachment at ebidensiya bago isumite sa Senado.

Samantala, sinabi ni House Committee on Justice Chairperson Gerville “Jinky” Luistro na walang epekto ang ruling ng SC sa impeachment proceedings laban kay President Ferdinand Marcos Jr.

Paliwanag niya, magkaiba ang mode of impeachment na ginamit sa kaso ni Duterte at sa reklamo laban kay Marcos Jr.

Giit ni Luistro, tuloy ang deliberasyon ng komite sa Pebrero 2 para sa dalawang verified impeachment complaints laban sa Pangulo.