-- Advertisements --

Naglabas ng pahayag si Army Col. Raymund Dante Lachica upang sagutin ang mga akusasyong kumakalat sa internet ukol sa malaking volume ng pera na natanggap nila ng illegal.

Mariin niyang itinanggi ang pagkakadawit sa umano’y “POGO money” at “drug money.”

Ayon sa opisyal, walang batayan ang mga paratang at wala ring credible na ebidensya ukol dito.

Binatikos niya ang umano’y “trial by publicity” na nakasisira sa reputasyon nang walang due process.

Iginiit ni Lachica na ang katotohanan ay dapat matukoy sa tamang legal na proseso.

Binigyang-diin niya ang tungkulin ng mga nasa propesyon ng batas na manatili sa integridad.

Naniniwala siya na sa huli ay ilalantad ng batas ang kawalan ng batayan ng mga akusasyon.

“I remain confident that the legal process will ultimately reveal the truth and expose the baseless nature of these accusations. I also urge all parties to respect the ongoing legal proceedings and refrain from further attempts to litigate this issue in the court of public opinion,” wika ni Lachica.

Si Lachica ay dating hepe ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) na nakatalaga para sa seguridad ni Vice President Sara Duterte.

Siya ay inalis sa posisyon noong Oktubre 2025 at ibinalik sa Philippine Army matapos lumitaw ang ilang akusasyon ukol sa maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP), na una na ring pinabulaanan ng nasabing tanggapan.