-- Advertisements --

Pormal nang inaprubahan ng Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni dating Environment Secretary Raphael Perpetuo Lotilla bilang bagong Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Pilipinas sa Holy See.

Kasabay ng paglusot ng kaniyang appointment , nagbigay ng katiyakan si Lotilla na mas palalakasin pa niya ang diplomatikong ugnayan sa pagitan ng Maynila at ng Vatican City.

Saklaw rin ng kanyang bagong posisyon ang pagkakaroon ng concurrent jurisdiction sa Sovereign Order of Malta, kung saan tatanggap siya ng sweldo at benepisyo bilang isang chief of mission, Class I.

Bago ang tuluyang pag-apruba sa kumpirmasyon, inusisa muna ni Senate President Pro Tempore Panfilo Ping Lacson sa pagdinig ng CA Committee on Foreign Affairs kung kabilang si Lotilla sa pananampalatayang Katoliko kung saan ay tumugon ito na

Sa kaniyang naging pahayag, binigyang-diin ni Lotilla na ibinabahagi ng Vatican City at ng gobyerno ng Pilipinas ang mga magkatulad na layunin.

Kabilang na rito ang pagtataguyod sa international law at mga multilateral institutions, gayundin ang mapayapang pagresolba sa mga sigalot at ang pagsusulong ng mga interfaith dialogues.

Bago itinalaga sa naturang posisyon sa Europa, naging kalihim si Lotilla ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa loob ng wala pang isang taon.