Dumulog ngayong araw sa Court of Appeals ang pamilya ng mga biktima sa naganap na Maguindanao Massacre noong taon 2009.
Ayon sa isa sa mga abogado ng mga biktima na si Atty. Gilbert Andres, partikular na kanilang inihain ang ikalawang ‘urgent motion for resolution’ sa hukuman.
Ito’y kasabay sa paggunita at pag-alala sa ika-17 anibersaryo ng nangyaring madugong insidente kumitil sa buhay ng mga mamamahayag, abogado at iba pa.
Kaya’t muling umapela ang mga kaanak ng biktima sa ‘Court of Appeals’ upang himukin itong aksyunan at tuluyan nang resolbahin ang lahat ng mga nakabinbing apela.
Ibinahagi naman ng abogado na ang ilan sa mga kaanak na labing-pitong taon nang naghihintay ng resolusyon ay kinamatayan na ang kaso, habang ang iba’y may mga sakit na.
Sa kabila ng kawalan ng pinal na resolusyon, hindi nagsasawang dumulog at magsumamo pa rin sa Court of Appeals ang mga pamilya ng biktima.
Ayon kay Atty. Andres, hiling ng mga ito na agaran desisyunan ang mga nakabinbin pa nilang mga apela sa hukuman.
Ibinahagi naman ng abogado ang nilalaman ng inihaing ikalawang ‘urgent motion for resolution’ sa Court of Appeals ngayong Lunes.
Nakapaloob sa dokumento ang kanilang mga kahilingan at pati salaysay ng mga kaanak ng biktima sa madugong insidente.














