Kasalukuyang inihahanda ang karagdagan pang mga kasong isasampa kaugnay sa flood control anomaly.
Sa isang panayam, inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may nakalinya pang lima hanggang anim na kaso na susunod na ihahan sa loob ng dalawang linggo.
Bagamat hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye ang Ombudsman hinggil dito.
Kinumpirma rin ng Ombudsman na si dating House Speaker Martin Romualdez ang tinutukoy na mambabatas na inisyuhan na ng freeze order.
Nitong Biyernes, iniulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nakakuha ito ng freeze order mula sa Court of Appeals (CA) sa assets ng isang hindi pinangalanang mambabatas na umano’y sangkot sa flood control corruption scandal.
Saklaw sa freeze order ng korte ang 25 bank accounts ng mambabatas at 10 insurance policies na nakarehistro sa ilalim ng kaniyang pangalan.
Ang naturang freeze order ay bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa mga sangkot sa maanomaliyang flood control projects ng pamahalaan.
Samantala, inihayag din ng Ombudsman na ang kasalukuyang kaso ay isinasailalim sa preliminary investigation at inoobserbahan dito ang due process dahil ang kalaban nila ay mula sa gobyerno na may maraming pera at kapangyarihan.















