-- Advertisements --

Nakumpirma na ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointments ng limang heneral ng Armed Forces of the Philippines at 85 foreign serivces officials ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Dumalo nitong araw ng Miyerkules, Hunyo 17 ang limang AFP Generals at DFA Officials at hinarap ang mga CA members special sessions ng Senado.

Ilang linggong naantala ang kanilang appointments dahil sa naganap na sigalot ng mga Senador.

Una rito ay kinuwestiyon sa pagdinig ni Senator Rodante Marcoleta na ang natitirang halos isang taon ng aktibong serbisyon ng limang AFP generals na unang na-bypassed sa regular session ay balido pa sa promosyon.

Na-bypassed umano ang promosyon ng mga heneral noong isinagawa ang sine die adjourment ng Kongreso noong Hunyo 3, 2026.

Subalit paliwanag ni Senator Panfilo Lacson na ang interim appointments ng mga AFP generals ay muling pagsusumite nila ng nakaraang interim appointments noong Mayo 25, 2026 ng muling isagawa ang unang regular session.