-- Advertisements --

Inaresto ng mga awtoridad sa Pasay City noong Biyernes ng gabi ang isang Korean national na itinuturing na most wanted dahil sa kasong panggagahasa.

May nakabimbin na warrant of arrest ang suspek mula sa isang korte at walang piyansang inirekomenda.

Ang arrest warrant ay isinilbi sa suspek sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ng mga operatiba mula sa NAIA Police Station 1, sa koordinasyon ng Manila Police District-Women and Children Concern Section (MPD-WCCS).

Agad na dinala ang suspek sa kustodiya ng MPD-WCCS.

Ayon kay PNP Acting Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pag-aresto ay patunay ng pagpapahalaga ng Philippine National Police sa awtoridad ng mga korte at ang hindi pagpapahintulot sa sinuman na umiwas sa pananagutan.