-- Advertisements --

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na wanted dahil sa ilegal na online gambling activities sa Malate, Maynila.

Ikinasa ang pag-aresto sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Korea at ng Manila Police District Station 5 (MPD-PS5) noong Hulyo 9, sa isang gusali sa kahabaan ng Bocobo Street, Brgy. 698, sa Malate, Maynila.

Ang pugante kinilala bilang si Lee Yong Jae, 46 taong gulang, na kasalukuyang nasa ilalim ng Interpol Red Notice at may aktibong warrant of arrest mula sa Seoul Bukbu District Court sa South Korea.

Ayon sa mga awtoridad ng Korea, si Lee ay isang high-value illegal investor at operator ng mga illicit gambling platforms na target ang mga Koreano at Pilipinong gumagamit. 

Mula pa noong 2022, inilunsad niya ang ilang baccarat sites—kabilang na ang isa na pinangalanang “Phoenix”—at ginamit ang iba’t ibang bank accounts at livestream feeds mula sa mga hotel casino sa buong Timog-silangang Asya upang patakbuhin ang kanyang mga operasyon.

Ayon sa mga awtoridad ng Korea, si Lee ay isang mataas na halaga na ilegal na mamumuhunan at operator ng mga iligal na gambling platform na target ang mga Koreano at Pilipinong gumagamit. Mula pa noong 2022, inilunsad niya ang ilang baccarat sites—kabilang na ang isa na pinangalanang “Phoenix”—at ginamit ang iba’t ibang bank accounts at livestream feeds mula sa mga hotel casino sa buong Timog-silangang Asya upang patakbuhin ang kanyang mga operasyon.

Batay sa record ng BI, si Lee ay may dalawang umiiral na derogatory entries: isang Blacklist Order na inilabas noong Enero 16, 2025, at isang Watchlist Order na may petsang Oktubre 21, 2024. Pareho itong inilabas dahil sa mga grounds ng pagiging undesirable at pagiging fugitive from justice.

Kasulukuyan siyang nasa kustodiya ng Ermita Police Station habang hinaharap ang mga kaso na may kaugnayan sa droga ayon sa Section 11 ng Republic Act 9165.