-- Advertisements --

Nananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng restraint sa mga parties involved kasunod ng patuloy na labanan sa Middle East.

Umaasa din ang Pangulo na sa lalong madaling panahon ay matigil na ang labanan sa pagitan ng America, Israel at Iran.

Nilinaw naman ni Pangulong Marcos na hindi sangkot ang Pilipinas sa kasalukuyang labanan at hindi ito bahagi ng alinmang panig. 

Giit ng Pangulo na bagama’t nais ng bansa na matigil ang bakbakan, ang mga direktang kalahok lamang ang maaaring manawagan ng tigil-putukan.

Nagpahayag din ng suporta ang Pangulo sa mga bansang sinalakay at umaasang agad matatapos ang krisis.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa iba pang mga lider upang hingan ang kanilang tulong upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Ayon sa Pangulo, ang pinakamahalaga sa ngayon ay matiyak na ligtas ang ating mga kababayan.