-- Advertisements --

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na kanilang papanagutin at sasampahan ng kaso ang kanilang personnel na sangkot sa pagtulong sa dayuhan nilang detainee para makapagpuslit ng kontrabando sa kanilang detention facilities.

Ayon kay BI commissioner Joel Anthony Viado, kanila ng tinanggal sa kanilang puwesto ang mga personnel na tumulong sa Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy na makapagkuha ng video habang nakakulong sa BI.

Dagdag pa nito na tatlong BI personnel na napatunayang sangkot ang inalis sa puwesto habang isa naman na contractual agent ang tuluyang inalis.

Giit nito na marami pa ang tiyak na matatanggal dahil hindi pa natatapos ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.