-- Advertisements --

Ibinunyag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na pinakiusapan sila ng US na tulungan para labanan ang mga drones ng Iran.

Tiniyak naman nito kay US President Donald Trump na kaniyang gagawin ang lahat para makatulong.

Dahil ito ay inatasan niya ang kaniyang military officials na magbigay ng tulong.

Binigyang halaga nito ang pagkakaroon ng Ukrainian specialist para sa operasyon na maharang ang anumang drones.

Iminungkahi rin ito na handa itong ipagpalit ang kanilang interceptor drones para sa US Patriot air defences na gagamitin naman nilang pangdepensa laban sa ballistic missiles ng Russia.