-- Advertisements --

Kinumpirma ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na kanilang pinauwi ang mga naarestong sundalo ng North Korea sa South Korea.

Sa kaniyang talumpati sa United Nations General Assembly sa New York , sinabi nito na mayroong dalawang sundalo ng North Korea ang kanilang naaresto.

Ang mga ito ay sumanib sa Russia para labanan ang Ukraine.

Nagtangka pa ang isa na magpakamatay subalit kanila itong pinigilan.

Mula pa noong 2024 ng magsimula ang giyera ay nagpadala na umano ang Russia ng mga sundalo mula sa North Korea para tulungan silang lumaban kontra Ukraine.