-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na naging matagumpay ang unang araw na pagpupulong nila ni Chinese President Xi Jinping.

Iniikot ni Trump ang Chinese President sa loob ng White House kung saan nagkaroon pa ng military parade sa Rose Garden.

Nagsagawa ng bilateral meeting ang dalawa kung saan tinalakay ang kalakalan, Artificial Intelligence at ang usapin sa Taiwan na inaangkin ng China.

Sinabi pa ng US President na ipinagmamalaki niya ang relasyon ng US at China at tiniyak na magpapatuloy ang kanilang pagtatrabahong dalawa.

Magugunitang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ng US at China dahil sa usapin ng pagpapataw ng buwis ng US sa ilang produkto ng China.