-- Advertisements --

Muling naghain ng extension ng medical leave si Senator Loren Legarda, na sasaklaw sa September 21 hanggang 23 at September 28 hanggang October 2, at October 5 hanggang October 9.

Matatandaang unang nag-file si Legarda ng medical leave noong August 3 hanggang 5. Mula noon, ilang beses nang na-extend ang kanyang leave, at ang pinakahuling paghahain ay ikaanim na pagkakataon na umano niyang pagpapalawig ng kanyang pagliban.

Samantala, sinabi naman ng ilang senador na kasalukuyang nasa France si Legarda upang sumailalim sa treatment, dagdag pa may kinalaman umano ang kanyang pagpapagamot sa isang seryosong karamdaman.