Ipinagpatuloy ang bail hearing ni Senator Rodante Marcoleta at ng iba pang akusado, kaugnay sa 75 million pesos undeclared funds sa Sandiganbayan Third Division, kahapon, September 17.
Sa pagdinig, tumestigo bilang state witness si Luzon Field Investigation Bureau Director Maria Melinda Mananghaya-Henson.
Inilahad niya ang naging fact-finding investigation ng kanilang kampo kaugnay ng umano’y ₱75 milyong pondo na iniuugnay sa plunder case.
Ayon kay Mananghaya-Henson, umano’y nagsoliscit si Marcoleta ng ₱20 milyon mula sa businessman na si Aristotle Viray, na isa sa mga donor na iniuugnay sa naturang kaso.
Sa paglilinaw naman kay Associate Justice Karl Miranda, chairperson ng Sandiganbayan Third Division, sinabi ni Mananghaya-Henson na nakasaad umano ang pahayag ni Viray sa kanyang counter-affidavit na isinumite sa preliminary investigation ng Ombudsman.
Ayon pa sa state witness, “unacceptable” o hindi katanggap-tanggap umano ang pagtanggap ni Marcoleta ng ₱75 milyon na donasyon noong siya ay congressman pa. Iginiit niya na, batay sa kanyang pahayag, aabutin umano ng humigit-kumulang 20 taon ang isang congressman upang makaipon ng ganoong kalaking halaga.
Dagdag ni Mananghaya-Henson, anuman umano ang likas o pinagmulan ng pera, may indikasyong tinatakpan nito ang tunay na layunin ng donasyon. Binanggit din niya ang timeline ng transaksyon: umano’y natanggap ni Marcoleta ang ₱75 milyon noong Enero 2025, ngunit napadokumento o napanotaryo lamang ang kaukulang kasunduan noong Nobyembre ng parehong taon.
Ayon sa kampo ng Ombudsman, hindi pangkaraniwan o “beyond normal” ang ganitong kalaking halaga na umano’y natanggap ng isang public official. Anila, may pananagutan ang mga opisyal ng gobyerno sa mga pondong kanilang natatanggap at dapat itong maging alinsunod sa mga umiiral na pamantayan sa public accountability.
Samantala, nagpahayag din ng pagkadismaya si Marcoleta kaugnay ng hindi niya pagsama sa botohan tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
“I don’t think the threshold is a subject of violation. It’s already in the constitution. Nobody has the right to change the language of the constitution.”
Nang tanugin naman kung nabalitaan niya ang tungkol kay dating house speaker Romualdez at kung nagkita na ba sila sa loob ng BJMP facility, maikling sagot lamang ang kanyang ibinigay. “The answer to both question is ‘no.”
















