-- Advertisements --

Naghain na ng not guilty plea sa Sandiganbayan Third Division si dating Pampanga 3rd District Rep. Dong Gonzales.

Ito ay kasunod ng kaniyang kinakaharap na kasong graft dahil sa umano’y conflict of interest sa isang P264-milyong flood control project.

Maalalang inakusahan ng prosecution si Gonzales na nakakuha o kumuha ng ‘financial interest’ sa A.D. Gonzales Construction and Trading Company, isang contractor na umano’y nakakuha ng government infrastructure contracts sa Pampanga.

Bago nito ay itinanggi ng dating mambabatas na nakialam at nang-impluwensiya siya sa mga government infra project sa kaniyng sariling destrito.

Nanindigan din ang dating mambabatas na itinigil na niya ang lahat ng contracting activities simula 2007 o mula noong siya ay nahalal bilang kitawan ng kaniyang distrito sa probinsiya ng Pampanga.

Oktubre ng kasalukuyang taon (2026) nang magsampa ng mga kaso ang Office of the Ombudsman dahil sa alegasyong nagpatuloy ang kanyang ugnayan sa contracting business habang siya ay nakaupo pa bilang mambabatas.

Itinakda naman ng korte ang pretrial sa Dec. 4.