-- Advertisements --
Naghahanda na ang White House para sa nalalapit na pagdalaw ni Chinese President Xi Jinping.
Inaasahan na personal ito ng sasalubungin ni US President Donald Trump sa Andrews Air Force Base na susundan ng welcoming ceremony sa White House.
Kasama dito ang military flyover ng halos 500 military personnel.
Ito kasi ang unang state visit ni Xi sa US sa loob ng dekada at ang ikatlong pagkikita nila ni Trump mula ng magsimula ang kaniyang ikalawang termino sa opisina.
Ilan sa mga inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ay ang Artificial Intelligence,trade at ang usapin sa Taiwan.
Inaasaha din na palawigin ng dalawa ang US-China trade agreement na inaprubahan noong nakaraang taon at ito ay magtatapos na ngayong Nobyembre.
















