-- Advertisements --

Nagpahayag ng kagustuhan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na magkaroon ng trilateral meeting kay Russian President Vladimir Putin sa US para matigil na ang giyera.

Sinabi nito na handa siya anumang oras at dapat ay gawin na ito agad.

Dumalo si Zelensky sa United Nations General Assembly sa New York kung saan nakasalamuha nito si US President Donald Trump.

Sa nasabing pagpupulong aniya ay naging mabunga kung saan kapwa nilang nais na tuluyan ng matigil ang giyera.

Humiling ito kay Trump na mabigyan silang lisensiya para makagawa ng Patriot missiles.