-- Advertisements --

Sinisi ng Russia ang Ukraine na sila ang nasa likod ng pagpapalubog ng kanilang tanker sa Mediterranean Sea malapit sa Libya.

Ayon sa Libyan Maritime Authority nakarinig sila ng malakas na pagsabog at malaking sunog sa Arctic Metagaz.

Ang Russian-flagged tanker ay may kargang 61,000 tonelada ng liquefied natural gas at ito ay tuluyang lumubog sa dagat.

Lahat aniya ng 30 crew members na sakay ng barko ay nailigtas.

Tinawag naman ni Russian President Vladimir Putin ang insidente bilang “Terror attack” mula sa hinihinalang drones ng Ukraine.

May ilang insidente kasi na naitalang pagpapalubog ng Ukraine drone sa mga barko ng Russia sa karagatang sakop ng Libya.