-- Advertisements --
Suportado ni US Secretary of State Marco Rubio ang ginagawang pagdepensa ng Saudi Arabia laban sa pag-atake ng Houthi rebels.
Ayon kay Rubio na mayroong karapatan ang Saudi Arabia na ipagtanggol ang kanilang bansa.
Maging ang gobyerno ng Yemen ay mayroong karapatan din na ipagtanggol ang kanilang bansa.
Iginiit ni Rubio na mayroong security agreement ang US sa Saudi Arabia na kaya kanila itong sinusunod.
Magugunitang tinarget ng Houthi rebels ang mga mahahalagang imprastraktura sa Saudi Arabia.
















