-- Advertisements --

Nagsagawa ng pagtitipon ang mga Ukrainians para alalahanin ang mga nasawing sundalo at kababayan nila sa ika-apat na taon pag-atake ng Russia.

Napuno ng mga watawat ng Ukraine ang Maidan square sa Kyiv bago ginawa ang moment of silence.

Nag-alay naman ng mga bulaklak ang mga residente ng Bucha sa puntod ng mga sundalong nasawi sa pakikipaglaban sa Russia.

Sinabi ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na hindi sila natalo sa giiyera at kanilang ipinagtanggol ang kanilang kalayaan.

Patuloy din ang pakikipag-usap niya sa mga kaalyadong bansa para magbigay ng mga suporta laban sa Russia.