Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi katanggap-tanggap sa Pilipinas at Poland ang anumang tangkang sakupin ang isang teritoryo o ang pagbabago sa mga hangganan o territorial boundaries ng isang bansa.
Ayon kay Pang. Marcos, kapwa pinagtitibay ng Pilipinas at Poland ang paggalang sa international law at mapayapang paglutas ng mga hindi pagkaka-unawaan.
Pahayag itong Pangulo kasunod ng pakikipagpulong kay Polish President Karol Nawrocki sa Malacañang.
Sa bilateral meeting ng dalawang leader, tinalakay nila ang mga usapin sa seguridad, kabilang ang maritime security, cybersecurity at proteksyon sa mga strategic supply chain.
Matagal nang binigyang-diin ni Pang. Marcos na hindi papayagan ng Pilipinas ang anumang hakbang na makaaapekto sa soberanya at teritoryo ng bansa.
Aniya, tungkulin ng pamahalaan na ipagtanggol ang teritoryo at soberanya ng Republika.
“And of course, these incursions or attempts to change territorial definitions are unacceptable in both Poland and in the Philippines.And that is why it was – when answering the question, the President was very clear that the lines of communication remain open as much as possible. This is exactly the policy that the Philippines is undertaking. And it is I believe the correct way with which we can resolve such issues, and we will continue to do that,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
















