Inakusahan ng US ang Russia na nagbibigay ito ng mga intelligence report sa Iran.
Ayon sa White House, na mayroong ilang impormasyon silang nakalap ukol sa pagbibigay ng Russia ng mga impormasyon sa kinaroroonan ng mga sundalo ng US.
Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang White House ukol sa nasabing usapin.
Nakabalik na sa US ang ilang mga Americans na naipit sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Kinumpirma ni Assistant Secretary of State for Global Public Affairs Dylan Johnson na may ilang mga chartered flight na kinuha ang US government para mailikas ang kanilang mga mamamayan.
Aabot sa 13,000 na mga Americans sa Gitnang Silangan ang kanilang natulungan.
Base sa pagtaya ng Iran na mayroong 1,332 na ang nasawi dahil sa pag-atake ng US at Israel.
















